The inevitable wanderer.
So keep a positive attitude no matter where you are right now, no matter what’s going on in your life. Cheer up, God is on your side. Stop being upset about things you can’t do anything about. God wants you to know that He has an individual plan for your life, and He wants you to accept His unique plan for you and not compare your plan with anybody else’s. You have to trust God knows more about what you need and what you can handle than you do. After all, He knows you better than you know yourself!
Ayoko muna magdrama or something. :))
Steady na lang muna. 1 month and 3 days before the big day! Ito yung month na sobrang busy naming lahat sa school activities. Pero sa academics? Well, sila siguro naging busy, haha! Nagpakapetiks ako ng konti, hehehhee. Tuwing tinitignan ko, parang ang tagal tagal pa ng 1 month and 4 days. Pero syempre, hindi ko na mapapansin. Panigurado mabilis na lang yun, kaya sisiguraduhin ko na masaya na bawat oras na kasama yung seniors. Lalo na sa Solid. Naaaaks! ♥
You know I love text posts with photos.
Matagal na rin akong hindi nagbblog ng mahaba. Here’s one, haha! With pictures, but not in details though.
February 05, 2013.
Nagkita kami ni Stephen ng gabi.
Ewan ko ba, ang biglaan kasi, tas nagulat na lang din ako, haha! Masaya lang ako na sobrang okay na kami. Nagkakamustahan, and napag-uusapan na namin yung past na walang ilangan. Hindi na awkward. Pati parang tanggap nya na yung nabanggit ko sakanya dati. Wala, parang okay okay na lang. Pinanuod nya akong kumain kagabi, then nagkwento ako sakanya tungkol sa first nosebleed ever ko. Lumabas kami ng bahay after ko kumain, then tumambay kami sa playground. Nagyaya sya na maglakad, and so we did. Hindi na kami masyado nag-uusap nun, pero nakaakbay sya sakin. Lakad, upo, lakad, upo, tayo, yakap. Binuhat nya pa nga ako eh, haha! Kamusta naman sa mga trip diba? Well, hinatid nya ako sa bahay past 9pm. Natisod pa nga sya nung nagpapaalam na, HAHAHA. This just proves that all is well between us. Thank you, Lord! :)
Hey, you. Stay in my life, okay? :)
May mga tao talagang sadyang babalik at babalik sa buhay mo.
Minsan, sasakto pa sila sa oras na gulong-gulo na yung isipan mo. Oo, sabihin na nating ‘nawala’ sya sa buhay mo for a period of time. Pero the very fact na bumalik sya, or nag-e-effort syang bumalik sayo, magiging choosy ka pa ba? Pero syempre, wag kang maging sigurado kaagad. Malay mo naman may hihingin lang na favor. May mga tao kasing papansinin ka lang pag may gusto o may kailangan. Ingatan mo na lang din yung sarili mo, at wag na wag mong kakalimutan yung dahilan kung bakit sya nawala sa buhay mo. Forgive, but never forget. Hindi lahat ng bumabalik, seryoso. Ingat ingat lang din, at wag mag-assume.
Hindi ko alam kung bat nangyayare ‘to, at kung bakit ganito, pero ang alam ko, masaya ako sa lahat ng ‘to. Salamat, Lord! :)
First time namin pareho ni Jan magcommute papunta sa Taft. =))
Nagpasama siyang pumunta sa La Salle, edi sige, go lang naman ako. Eh first time nga namin pareho magcommute papunta dun diba, kaya sa bintana puro “nasan na tayo?”. Haha! Nakita na namin yung building ng La Salle pati CSB, kaya bumaba na kami. Pagkatawid namin, na-realize namin na hindi pa pala kami dun dapat bumaba, kasi feeling namin sa Andrew Gonzales hall pa kami pupunta. Nilakad na lang namin.
Yung mga kaibigan mo na laging andyan para sayo.
Yun bang, paulit ulit na yung problema mo pero hindi nagsasawa na makinig sa kung anong kadramahan mo sa buhay. Tatawagan ka pa para lang maging okay ka at makalimot ka dun sa problema na iniisip mo. Kkwentuhan ka pa ng tungkol sa buhay nila. Kahit sa text lang kayo mag-usap, okay lang din, kasi mag-aadvice yan panigurado. At kung hindi man advice ang itetext nyan sayo, isshare nya na lang yung experience nya. Oo, hindi parin solved yung problema mo, pero at least kahit papano, napagaan nila yung loob mo. Na sa isang oras na kausap o katext mo siya/sila sa cellphone, nakakalimutan mo yung mga mabibigat na nararamdaman mo, kasi nag-eeffort silang masigurado na masaya ka.
January 3, 2012
Janella, J’anne, Kate, Sophia and Athena went to our house yesterday. Sudden plans always work! Yay! Hahaha. I ordered 2 pizzas (4Cheese & Roasted Shrimp and Garlic) and had a movie marathon. They even ate dinner here hahaha. POREBER I’M BUSOG. Mark joined us at around 7 or 7:30 and ate the rest of the pizza. All in all, I’ve watched 3 movies with them.
- Pitch Perfect
- 24/7 In love
- The Reunion
Masaya ako nung araw na yun, okay.
Hello Janella, Gabe, Cynna, MK, Kenneth, MC and Athena!! Medyo nagkagulo dun sa time ng pagkikita, kasi nagka misunderstanding din kami ni dad, kaya ayun, sorry guys haha.


Feeling ko ang baliw baliw ko nung araw na yun.
Ewan ko. Intense yung mga nangyare okay, kaya di ko na masyado babanggitin =)) At dahil dyan, pindutin ang read more =)))
This time last year, everything was so different.
He doesn’t even matter anymore.
It took me years, literally, though, hindi naman tuloy tuloy kasi nagkakaroon din ako ng fling sa iba. Parang dati lang, ang problema ko is kung pano sasabihin sakanya na ayaw ko na. Kung pano ko sasabihin sakanya na alam kong tine-take for granted nya lang ako. Ngayon? It doesn’t even matter. Hindi ko na nga sya naiisip (bukod sa may ibang tao na akong laging iniisip), and kahit na nakita ko siya this past week, parang wala na lang sakin. Okay na rin naman kasi kaming dalawa. Nakapag-usap na kami, and I’m grateful na naging okay kami.
Ohmysiomai, December 26 na.
Sobrang tagong-tago na yung buhay ko. Hindi na ako nakakapagblog ng ganito, haha! Sa sobrang dami ng naramdaman at naranasan ko, medyo mahirap na maghabol. December highlights na lang siguro gagawin ko. Pero bahala na. Badtrip nga pala ako ngayon, kaya naglilinis ako ng kwarto. Iba talaga kapag badtrip or malungkot ako eno? Sinasaniban ako lagi ng kasipagan.